Isang dalawampu't dalawang taong gulang na estudyante ang nakuhanan ng mga otoridad ng tinatayang ₱680,000.00 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City kagabi, Hulyo 2, 2024.

News Image #1


Si alyas Mama B, isang lalaki, ay nagtangkang magbenta ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu sa isang nagpanggap na buyer na ahente ng pulisya sa Barangay New Lower Bicutan bandang alas 8:45 ng gabi.

Nang magkaabutan na ng pera at hinihinalang droga, lumabas ang mga tauhan ng Southern Police District - Drug Enforcement Unit at inaresto si Mama B.

Nakuha rito ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu.

News Image #2


Ang nakuhang ebidensya ay ibinigay na sa Southern Police District Forensic Unit para sa qualitative at quantitative analysis.

News Image #3


Nakapiit na ngayon si Mama B at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Mga larawan mula sa SPD)