Mahigit 22, 000 pulis ang palalabasin ng Philippine National Police (PNP) para sa nakatakdang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Hulyo 22, 2024.

News Image #1


Sinabi PNP Chief Police General Rommel Marbil na wala naman silang nakikitang banta sa darating na SONA subalit kung mayroon man, nakahanda silang magpalabas ng karagdagan pang mga pulis para sa seguridad nito.


Walongdaan at dalawampu't isang mga pulis na sinanay naman ng husto ang palalabasin ng Southern Police District sa SONA ni Pangulong Marcos.

Ayon sa SPD, tuloy-tuloy ang kanilang mga isinasagawang pagsasanay at mga seminar sa kanilang headquarters sa Taguig City upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga lalahok sa SONA at ang publiko sa pangkalahatan.

News Image #2


Nagsagawa ng dalawang araw na seminar ang SPD kaugnay ng Civil Disturbance Management (CDM) operations refresher course upang maayos na maresolba ang anumang kaguluhang mangyayari sa SONA sa gitna ng mga inaasahang kilos protesta.

Pinapraktis din ng SPD ang kanilang 8- Basic CDM formations. Ang masinsinang pagsasanay na ito ay mahalaga sa epektibong pagkontrol sa mga taong magtutungo sa kalsada.

News Image #3


Tiniyak ng SPD na pananatilihin nila ang kapayapaan at respeto sa karapatan ng mga taong lalahok sa mga pagkilos sa araw ng SONA.

(Mga larawan mula sa SPD)