Arestado sa pagdadala ng ilegal na baril at bala ang isang 23 taong gulang na lalaki sa Barangay New Lower Bicutan, Taguig City kahapon, Enero 21, 2025.

News Image #1


Ang lalaki na kinilala lamang sa pangalang Ryan ay naaresto makaraang magtangkang tumakas bandang alas 5:40 kahapon.

Napag-alaman na tumawag sa pulisya ang barangay official na nakarinig ng putok ng baril sa kanilang lugar sa Barangay New Lower Bicutan.

Naabutan ng pulisya ang suspek at nagtangka itong tumakbo.

Nakumpiska mula rito ang isang baril na walang serial number at apat na hindi pa nagagamit na bala ng .45 kalibre ng baril bukod sa isang naiputok na.

News Image #2


Si alyas Ryan ay kakasuhan ng paglabag sa election gun ban ba iniimplementa sa ilalim ng Omnibus Election Code (RA 7166).

Bukod dito, sasampahan din si Ryan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) at alarm and scandal.

(Mga larawan ng Southern Police District)