Isang construction worker ang nahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱117,572.00 sa isang anti-illegal drug operation sa Palar Southside, Barangay Pinagsama, Taguig City kahapon ng alas 6:25 ng umaga, Agosto 13, 2024.


News Image #1

(Larawan ng Taguig City Police)

Sa isinagawang operasyon ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit, naaresto si alyas Justine, 27 taong gulang na construction worker.

Nakuha kay Justine ang 3 plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang sa 17.29 grams, ang buy-bust money na dalawang tunay na ₱100.00 bill at ₱6, 000.00 boodle money, at gayundin ang mobile phone nito na ginamit sa transaksyon.

Si alyas Justine ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act
9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasa Taguig City Custodial Facility si alyas Justine habang ang mga ebidensiya naman ay ibinigay na sa Southern Police District Forensic Unit para sa chemical analysis.