Dalawandaan at walumpu't dalawang fur babies at fur parents ang lumahok sa Paw Run 2024 sa Arca South, Barangay Western Bicutan noong Oktubre 5, 2024.
(Larawan ng Taguig PIO)
Isang kilometro ang tinakbo ng mga alagang hayop ng mga Taguigeno kung saan ang nagwagi ay si Panda, ang alagang aso ni Jeric Moses Macaraeg.
(Larawan ni Jeric Moses Macaraeg)
Bukod sa takbuhan ng mga fur babies at fur parents, nagbigay rin ng libreng serbisyo ang Office of the City Veterinary ng Taguig City tulad ng anti-rabies vaccination at micro-chipping. Ang kaganapan ay bilang selebrasyon ng World Rabies Day.
Gayundin, may 25 aso at pusa ang nabigyan ng oportunidad na makahanap ng kanilang furever home sa pamamagitan ng nag-ampon sa kanila sa naturang kaganapan.
Nagpahayag ng kasiyahan ang mga fur parents sa isinagawang aktibidad na ito ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na hindi lamang nagdulot ng saya kung hindi nabigyan pa ng libreng serbisyo ang kanilang mga alaga.
Samantala, ngayong Oktubre 7 hanggang 11, 2024 ay magha-house to house ang mga tauhan ng Office of the City Veterinary sa Barangay Central Signal para sa libreng bakuna laban sa rabies sa mga alagang aso at pusa.
Narito ang schedule sa bawat kalye sa Barangay Central Signal:
(Mga larawan mula sa Office of the City Veterinary)
282 Fur Babies at Fur Parents, Lumahok sa Paw Run 2024; May Libreng House-to-House Anti-Rabies Vaccination sa Barangay Central Signal ngayong Oktubre 7-11 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: