Namatay ang isang 29 na taong gulang na motocycle rider makaraang mag-counterflow ito at sumalpok sa isang trak sa J.P. Rizal Avenue, Barangay Cembo, Taguig City noong madaling-araw ng Enero 5, 2024.

News Image #1


Ang rider na isang kitchen staff at residente ng Taguig ay napag-alamang binabaybay ang daan nang lumampas ito sa kanyang lane at napunta sa kabilang lane dahilan para mabangga ng isang dumarating na trak.

Tumalsik ang rider na naging dahilan ng matinding pinsala sa katawan nito na agad nitong ikinamatay.

Ang driver ng trak na si alyas Jeffrey, 39 na taong gulang, ay nasa pulisya at hinahandaan ng isasampang kasong reckless imprudence resulting in homicide.

(Contributed photo)