Isang truck driver na wanted sa kasong rape ang naaresto ng mga tauhan nf Taguig City Police Station sa Barangay Central Bicutan, Taguig City noong Pebrero 23 ng umaga.

Hindi pa nakakapaghilamos si alyas Elwood, 29 taong tulang na drayber ng trak nang silbihan ito ng warrant of arresrt ng mga pulis Taguig bandang alas 7:30 ng umaga sa pinagtataguan nito sa Barangay Central Signal.

News Image #1


Anim na kaso ng rape ang kinakaharap ni Elwood sa korte ng Lemery, Batangas.

Ang mga kasong ito ay may kinalaman lahat sa paglabag sa Republic Act 11648 o "An Act Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse, Increasing the Age for Determining the Commission of Statutory Rape."


Ang anim na warrants of arrest ay ipinalabas ni Judge Mary Jane Valeza-Maranan, Presiding Judge of the Fourth Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 5, Lemery Batangas, noong Enero 11, 2024.

Mananatiling nakakulong si Elwood habang dinidinig ang kanyang mga kaso dahil walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

Si Elwood ay pangalwa sa listahan ng Top Most Wanted Persons sa district level ng Taguig Police.

(Larawan mula sa Taguig Police)