Binigyan ng parangal ng Philippine National Police - National Capital Region (PNP-NCRPO) ang mga miyembro ng pulisya sa Bangsamoro Autonomous Region sa isang seremonya sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kahapon, Nobyembre 6.

Sa flag-raising ceremony sa PNP-NCRPO Grandstand, personal na dumalo sina PNP Chief General Benjamin Acorda, Jr. at PNP NCRPO Chief Brig. Gen. Jose Nartatez, Jr., kasama ang tropa ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR).

News Image #1


Binigyang-pugay rin ang RFMB-NCRPO contingent na nagbantay sa halalang pam-baranggay at Sangguniang Kabataan sa Bangsamoro
Autonomous Region (BAR).

News Image #2


Pangkalahatang naging mapayapa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa BAR at walang naitalang election failure.

Ayon kay Acorda, "this is
a testament of collective efforts and your commitment to go beyond your comfort zone outside the confines of the NCRPO. The successful conduct of BSKE 2023 is another vibrant chapter to the PNP's story legacy of Public Service. We have once again showcased our unrelenting passion to serve and protect our communities. Ensuring the voice of the people is unequivocally heard, the voice of the people is the supreme law."


Tinanggap ni Col. Hector Grijaldo, Contingent Commander, sa ngalan ng 298 miyembro ng kanyang tropa ang Medalya ng Kagalingan (PNP Medal of Merit).

News Image #3


Ang parangal na ito ay para sa kanilang pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa BAR sa panahon ng BSKE nitong Oktubre 30, 2023.

Sa kabila ng may 2 taong nasawi sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte bago ang botohan; 1 namatay sa Maguindanao del Sur; at 1 kandidato sa pagka-barangay chairperson ang nabaril sa Lanao del Sur, itinuturing pa rin ng PNP na sa pangkalahatan ay mapayapa at tagumpay ang eleksyon sa BAR lalo na at mababa lamang ang bilang na ito kumpara sa nakaraang eleksyon at walang naideklarang failure of election.


Sakop ng BAR ang Maguindanao, Lanao del Sur at 63 barangay sa lalawigan ng Cotabato , at ang Sulu, Tawi-Tawi at Basilan, maliban sa Isabela City.

(Photos by PNP-NCRPO)