Tatlong Chinese nationals na may mga kaso dito sa Pilipinas at sa China ang ililipat sa pangangalaga ng Bureau of Immigration (BI) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, kapag napanagutan na ang mga kasong kinakaharap ng mga ito sa bansa, partikular ang kidnapping at illegal detention sa isang Vietnamese.
{Larawan ng Bureau of Immigration)
Nasa kustodiya ngayon ng Parañaque City Police ang mga naaresto ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa Barangay Tambo, Parañaque na sina Jun Chen, 28 taong gulang; Hongru Zhang, 26 na taong gulang; at Hao Zhen, 27 taong gulang.
Sinabi ni Immigration Chief Norman Tansingco na hindi pa nila mapapabalik sa China ang tatlo bagaman at ang ipinang-aresto rito ay ang mission order base sa kahilingan ng China sa kasong kinakaharap ng mga ito sa kanilang bansa.
Ito ay dahil ang tatlo ay may kasong robbery, grave coercion, illegal detention, gun possession, at illegal drugs trading na iniharap naman ng pulisya sa Parañaque City prosecutor's office.
"They can only be deported after the criminal cases against them are resolved and, if convicted, they will have to first serve their sentence in jail," ang paliwanag ni Tansingco.
Ang mga kriminal na kaso ay iniharap sa tatlong Chinese makaraang mailigtas ng mga pulis ang isang Vietnamese national na kinidnap at ilegal na ikinulong ng mga ito.
Ang tatlong Chinese ay unang inaresto ng BI FSU dahil sa arrest warrants na ipinalabas ng public security bureau sa Jinjiang, China. Ang isa sa mga ito naman ay overstaying na sa bansa.
Ang tatlo ay mga undocumented aliens na ngayon makaraang kanselahin ng pamahalaan ng China ang kanilang pasaporte.
3 Chinese Nationals na Nangidnap ng Vietnamese dito sa Pilipinas at may mga Kaso rin sa China, Arestado | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: