Nadadagdagan ang mga nabibilanggong mga dayuhan sa Bureau of Immigration (BI) detention facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City makaraan ang mga raid na isinasagawa ng Presidential Anti-Organized Crime (PAOCC) sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Sa pinakahuling operasyon ng PAOCC kamakailan sa Fontana Leisure Park sa Clark Freeport Zone sa Pampanga, tatlong Chinese nationals ang naaresto doon kabilang sina Huang Shuzhen, 23 taong gulang, Chen Qianfang, 46 taong gulang at Huang Zaicheng, 54 taong gulang.

Walang naipakitang mga dokumento ng karapatang manatili sa bansa ang mga naturang Chinese nationals. Inilipat agad sila sa pasilidad ng PAOCC sa Pasay City makaraan ang pag-aresto.

Ipo-proseso naman ng BI ang karampatang deportation proceedings kapag naklaro na kung may kakaharapin munang kaso sa bansa ang tatlong undocumented Chinese nationals.

Nagbabala si BI Commissioner Norman Tansingco sa mga ilegal na dayuhang nang-aabuso sa kabutihan ng Pilipinas sa mga turista.

"Government forces are now closely coordinating to locate and arrest aliens who may be staying here illegally. We thank the PAOCC and our partner agencies for supporting our fight against illegal aliens," ayon kay Tansingco.