Tatlong evacuation centers ang itinatayo ngayon sa Taguig City ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kabilang sa mga ginagawa ngayon ay ang evacuation centers sa Barangay Calzada na nagkakahalaga ng P9.5 milyon, sa Barangay Ibayo-Tipas na nagkakahalaga ng P4.9 milyon, at ang sa Barangay Bagumbayan na nagkakahalaga naman ng P12.73 bilyon.

News Image #1

(Screenshot mula sa DPWH website)

Samantala, kakatapos lamang maitayo ang evacuation center building sa Pasig City na inaasahang makakatulong para mapadali ang pagtugon sa sakuna sa Metro Manila

Ang dalawang palapag na evacuation center ay ililipat sa pangangalaga ng Barangay Bambang, Pasig City.

Ang gusaling itinayo ng DPWH Metro Manila 1st District Engineering Office ay magbibigay ng maayos na pansamantalang tirahan ng mga mga lumilikas sa mga delikadong lugar sa panahon ng sakuna.

Pito na ang mga evacuation centers na nakumpleto ng DPWH ang paggawa sa pamamagitan ng budget na nakuha nito sa 2023 General Appropriations Act.

Ang iba pang nakumpletong evacuation centers at nasa Boystown Complex sa Parang, Marikina worth ang halaga ay PHP20.73 milyon, Barangay Guadalupe Viejo sa Makati City na ang halaga ay PHP19.31 milyon at sa Barangay Commonwealth sa Quezon City na ang halaga naman ay PHP66.20 milyon.