Tatlong lalaking taga-litson ang nahulihan ng mga pampasabpg at ilegal na mga baril sa Barangay Rizal, Taguig City noong Hulyo 10 ng hapon.

News Image #1


Bandang alas 3:20 ng hapon noong Miyerkules nang matagpuan ng Taguig City Police kasama ang SWAT at TMRU sina alyas Baste, 18 taong gulang, alyas Ray, 19 na taong gulang at alyas Biboy, 27 taong gulang na may dalang dalawang granada at dalawang .38 na baril na may bala sa Lopez Jaena St. Barangay Rizal.

News Image #2


Isang concerned citizen ang tumawag sa Taguig Police dahil nakita nitong naglalakad-lakad ang dalawang suspek na may dalang mga armas.

Nakuha ng mga otoridad kay alyas Biboy ang isang .38 caliber revolver na may limang bala at may isang granada.

Si alyas Ray naman ay mayroon ding dalang hand grenade.

Si alyas Baste naman ay may dalang .38 caliber revolver na may apat na bala.

Sa pagsisiyasat, napag-alamang ang tatlong lechoneros ay may kinalaman sa pagbaril sa isang pulis-Taguig noong Hunyo 23. 2024.

Nasampahan na ng kasong frustrated murder at attempted murder ang 6 na may kinalaman sa pagkakabaril sa pulis-Taguig noong Hulyo 3, 2024 sa Taguig City Prosecutor's Office.

Sa ngayon ay nasa Taguig City Police Custodial Facility na ang 3 suspek at haharapin ang kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.


(Mga larawan mula sa Southern Police District)