Tatlo ang maglalaban sa pagka-alkalde ng Taguig City sa darating na halalan sa Mayo 12, 2025.
Sa pagtatapos ng paghaharap ng Certificate of Candidacy (COC) sa Convention Center ng New Taguig City Hall sa Levi Mariano, Barangay Ususan, Taguig City, tatlo ang nasa listahan ng Commission on Elections (COMELEC) Taguig City na naghahangad na maging Mayor ng lungsod.
Nagharap ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Taguig noong unang araw pa lamang ng COC filing noong Oktubre 1, 2024 si Arnel Cerafica, kasama ang kanyang asawang si Janelle na tumatakbo namang Vice Mayor.
Noong Oktubre 7, 2024, nagharap ng kanyang kandidatura ang re-electionist Mayor na si Lani Cayetano kasama ang kanyang Vice Mayor na si Arvin Alit na tatakbo muli sa kaparehong posisyon.
Sumunod na nagharap ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Taguig City noon ding Oktubre 7, 2024 si Brigido Licudine na taga- Barangay Western Bicutan.
Three-way fight din ang laban sa pagka-Bise Alkalde ng Taguig dahil bukod kina Cerafica at Alit, nagharap din ng kanyang kandidatura sa posisyon si Nelly Tanglao ng Partidong Subanen noong Oktubre 7, 2024.
Abangan ang buong listahan ng mga kandidato sa Taguig City na ilalabas ng Comelec-Taguig at ng Taguig.com.
(Mga larawan nina Jayson Pulga at Dexter Terante)
3-Way Fight: 3 ang Maglalaban sa Mayor at 3 rin sa Vice Mayor sa Taguig City | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
![](/images/slowcache/flip.png)