Tumalikod na Communist Party of the Philippines - New People's Army - National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang tatlong miyembro nito at agad na nanumpa ng pagsuporta sa pamahalaan sa isang seremonya sa Police Substation 4 sa Tomasa Avenue, Brgy. Ususan, Taguig noong Hulyo 16, 2023.


Ang tatlo ay mga dating miyembro ng Alliance of Filipino Workers (AFW), isang labor union na kilalang nagsusulong ng mga sentimyentong laban sa gobyerno at sumusuporta sa ideolohiya ng mga komunista.

Napag-alaman na sila anh dating nagre-recruit ng mga bagong miyembro at sumasali sa malakihang pagpoprotesta na organisado ng mga kilusang Komunista.

Sinabi ng Southern Police District (SPD) na ang pagkalas ng suporta ng tatlong indibidwal sa kilusang Komunista ay isang mahalagang hakbangin para isulong ang kapayapaan, pagkakaisa at progreso sa bansa.

Tiniyak ng SPD na itutuloy nila at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga sumukong indibidwal.

(Larawan mula sa SPD)