Tatlong estudyanteng Taguigeño ang naguwi ng karangalan sa Pilipinas sa isinagawang kumpetisyon sa science at mathematics sa ibang bansa, at binigyan ng kaukulang parangal ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng YES Awards o Youth Excellence in Science.

News Image #1


Kabilang sa mga estudyanteng ito ang residente ng Taguig na si Filbert Ephraim Wu na estudyante ng Victory Christian International School at ang magkamag-aral na sina Andre Gerard Aw at Rickson Caleb Tan ng MGC New Life Christian Academy na nasa 14th Drive, University Parkway, Bonifacio Global City, Fort Bonifacio, Taguig City.

Binigyan din ng YES award ang mga estudyante mula sa Philippine Science High School, Ateneo de Manila High School, Jubilee Christian Academy at Saint Jude Catholic School na nag-uwi ng 5 silver medals, 14 na bronze medals, at 3 honorable mentions.

News Image #2


Ang YES medal, ayon kay DOST Secretary Renato Solidum, ay sumisimbolo sa napakahusay na nakamit ng mga kabataan sa larangan ng Science, Technology, Engineering at Mathematics (STEM) na makakatulong upang maisulong ang mas malakas na kultura ng siyensa sa bansa at magkaroon ng mas maraming STEM professionals.

"The medals you have won are fruits of your perseverance and excellence - wear it proud. And while it is a reminder of your immense potential and the even greater heights you can still achieve, may you also be reminded that the real essence of excellence must be used to uplift the lives of the Filipino people. The country needs minds like yours, now more than ever, to take the helm of research and development and becomebearers of hope to accelerate science and technology development," ang pahayag ni Solidum.

Ayon naman kay Wu na kumatawan sa mga estudyanteng nagwagi na malaki ang kanyang pasasalamat sa suporta ng DOST at sa mga karanasan nila sa kumpetisyon na nagpatalas pa ng kanilang critical at analytical skills, at nagbigay ng inspirasyon upang isulong ang karera sa STEM.

News Image #3


"It must begin with widespread awareness and encouragement for students across the Philippines to take on the challenge," ayon kay Wu sa kanyang pagbabahagi ng karanasan sa nakaraang 64th International Mathematical Olympiad at 35th International Olympiad in Informatics.

Sinabi ni Wu na isang karangalan na katawanin ang mga Pilipino at ang bansa sa iba't ibang academic tournaments na may kinalaman sa STEM.

(Photos by Department of Science and Technology)