Tatlong kalalakihan ang nalaglag sa kamay ng Southern Police District dahil sa ilegal na droga.
Ang tatlo ay sinasabing may kinalaman sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Nagsagawa ng operasyon ang District Drug Enforcement Unit sa VP Cruz, Purok 5 ng 12:05 ng madaling araw noong Disyembre 9.
Isang alyas Liza, 43 taong gulang at dati nang nasentensyahan sa kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot; isang alyas Samson, 54 taong gulang at isang high-value-individual na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot at isang alyas Abdul ,41 taong gulang na nakalista rin bilang high-value individual na pusher.
Sa magkakatulong na operasyon ng SPD, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Substation 10 ng Taguig City Police, nakumpiska ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang puting tila kristal na pinaghihinalaang shabu.
Tinatayang ang bigat ng nakumpiska ay nasa 100.10 gramo na ang halaga ay nasa ₱680,680.00.
Nabawi rin ang tunay na ₱1000 at apat pang boodle money na ginamit sa buy bust operation at isang cellphone.
Sasampahan ang tatlo ng paglabag sa Sections 5, 11 at 26 na may kinalaman sa Section 5 sa ilalim ng Article II ng Republic Act 9166 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
(Photo from SPD)
3 Suspek sa Pagtutulak ng Droga sa Barangay Lower Bicutan, Arestado; ₱680K Halaga ng Shabu, Nakumpiska | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: