Tatlumpu't isa ang health centers at may tatlong super health centers ang Taguig City na maaaring tumanggap sa mga residente ng EMBO (Enlisted Men's Barrio) barangays na naapektuhan ng desisyon ng Makati City na isara ang health centers sa mga lugar nito.
(Barangay Ligid Tipas Super Health Center, Larawan ng Taguig PIO)
Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Taguig na libre ang konsultasyon sa doktor at pagpapagamot sa 31 health centers, at ang tatlong super health centers naman na bukas 24/7 ay may pasilidad para sa paanakan, panggagamot, laboratory at diagnostic services. Accredited din ang mga ito ng PhilHealth.
(Barangay Lower Bicutan Health Center, Larawan ng Taguig PIO)
Mayroon din ang Taguig na mga catchment health centers para sa EMBO barangays.
Para sa Barangay Post Proper Northside at Barangay Post Proper Southside, maaaring magtungo sa Palar Health Center sa Scorpion Street, Palar Village, Barangay Pinagsama, Taguig (09617340879 / 09089039911).
Ang mga taga-Barangay Pitogo, Barangay Cembo at Barangay South Cembo ay maaaring magtungo sa Fort Bonifacio Health Center sa Sitio III Fort Bonifacio, Taguig (09617340814 / 09617253301).
Ang mga taga-Barangay West Rembo at Barangay East Rembo ay sa Pinagsama Health Center maaaring magtungo na nasa Zambales Street, Phase 1 Barangay Pinagsama, Taguig (09617253302 / 09617044341).
At ang mga taga- Barangay Pembo, Barangay Comembo at Barangay Rizal ay maaaring magtungo sa Ususan Health Center sa Tomasa Avenue, Barangay Ususan, Taguig (09617340856 / 09096195485).
(Larawan ni Perla Roldan Perol sa Barangay Ususan Health Center]
31 Health Centers at 3 Super Health Centers ng Taguig, Bukas Para sa mga taga-EMBO Barangays | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: