Isang lalaking matagal nang tinutugaygayan ng mga otoridad ang naaresto sa Barangay Rizal, Taguig City makaraang mahuli ito sa aktong nagbebenta ng methamphetamine hydrochloride at marijuana noong Hulyo 3, 2024.

News Image #1

(File photo)

Tinaguriang "high value individual" si alyas Alvin, 32 taong gulang na naaresto sa isang buy-bust operation sa eskinita sa Mocking Bird Street, Barangay Rizal, Taguig City bandang alas 7:15 ng gabi noong Miyerkules.

Nakuha ng mga tauhan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit ang 50 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱340,000.00, 360 gramo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng ₱43,300.00, isang tunay na ₱ 1, 000 bill at ₱ 7, 000 boodle money.


Nahaharap na sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 si alyas Alvin na ngayon ay nakakulong sa Taguig City Police Station Custodial Facility.