Isang lalaking akusado sa kasong panghahalay ang inaresto ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) - Warrant Service Unit (WSU) sa Bonifacio Global City, Taguig noong Pebrero 9, 2024.

News Image #1


Ang 33 taong gulang na lalaki ay sinilbihan ng warrant of arrest nang matiyempuhan ito sa BGC bandang alas 6:14 ng gabi.

Ang warrant of arrest, na bunga ng Criminal Case No. 7716 para sa krimeng panghahalay sa ilalim ng Paragraph 1(A) Art. 266-A ng Revised Penal Code na inamiyendahan naman ng Republic Act 8353, ay ipinalabas noong Disyembre 20, 2023 ni Honorable Antonio Murillo Olivete, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 267 ng Taguig City.

News Image #2


Walang inirekomendang piyansa para sa suspek.

Ang naarestong suspek ay pang-lima sa dati pang hinahanap ng Taguig City Police.

Sa ngayon, ang akusado ay nasa Custodial Facility ng Taguig City.

(Photo by SPD)