Dalawampu't apat na local government units sa buong bansa ang inaalalayan at tinuturuan ngayon ng United States Agency for International Development (USAID) sa ilalim ng Energy Secure Philippines (ESP) program upang maisagawa ang mga tamang polisiya at inisyatibo para sa sektor ng enerhiya.
Sa isang forum na inorganisa ng Department of Energy (DOE) at USAID sa Taguig City noong Nobyembre 17, inihayag na ang tinuturuan ang mga LGUs na ito na ma-institutionalize ang Local Energy Codes, magsagawa ng energy audits, bumuo ng local energy efficiency at conservation plans, bumuo rin ng local energy plans, pagtugon sa government energy management program, at pag-iisa sa Energy Virtual One-Stop Shop system.
Ayon kay DOE Director for Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino, "It is indeed an opportune time as our government is really committed to not only promoting but more importantly encouraging our local government unit partners as a whole-of-government effort to maximize energy-efficient technologies and switch to clean and renewable energy sources, ensuring the country's energy security."
Ang ESP ay isang limang taong programa kung saan mayroon itong budget na $34 milyon upang mapaandar ang $750 milyong pamumuhunan mula sa pribadong sektor upang masimulan ang dagdag na generation capacity na 500 megawatts.
(Photo by Department of Energy)
$34 Milyong Pondo ng USAID, Inilagay sa Pagpapaunlad ng Sektor ng Enerhiya sa Pilipinas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: