Tatlumpu't apat na tricycle operators and drivers associations na ngayon ay nasa ilalim ng binuong Enlisted Men's Barrios Tricycle Taguig Federation (EMTRITAGFED) ang nakipagpulong kina Taguig City Mayor Ma. Laarni "Ate Lani" Cayetano City Administrator Atty. Jose Luis G. Montales noong Setyembre 15 (i-click ang video sa ibaba)



Inihayag ni City Administrator Atty. Montales ang lahat ng mga kasalukuyang programa ng City Of Taguig para sa lahat ng Taguigeños. kasunod ang pagtalakay sa mga problemang kinakaharap ng mga tricycle drivers mula sa EMBO barangays.

News Image #1


Kasunod nito ay isinagawa ang seremonya ng panunumpa para sa bagong halal na TODA presidents ng bawat asosasyon na nakakasakop sa EMBO barangays.

News Image #2


Kinilala ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pakikiisa ng mga tricycle operators and Drivers associations sa Embo barangays.

Ayon kay Mayor Cayetano, malaki ang partisipasyon ng lahat ng mga TODA sa kanyang administrayon partikular sa usaping transportasyon.

Natapos ang nasabing pagpupulong na punong puno ng ngiti ang mga mukha ng lahat ng drivers and operator mula sa EMBO sa pagmamahal na ipinakita ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa pangunguna ni Mayor Cayetano.

(Report, Videos and Photos by G)