Mas magiging matindi pa ang init ng panahon habang kasagsagan ng El Niño phenomenon.
(Kuha ni Vera Victoria)
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA na ang heat index sa Metro Manila ay aabot ng 35 hanggang 36 degrees Celsius ngayong Martes, Marso 12, 2024.
(Kuha ni Dek Terante)
Ang General Santos City ang makakaranas ng pinakamatinding init ng panahon ngayong araw na ito na tinatayang aabot sa 42 degrees Celsius
Noong Marso 10, ang Cotabato City sa Maguindanao Province ang nakaranas ng 42 degrees Celsius.
Bukas, Marso 13, ang Metro Manila ay makakaranas ng 34 hanggang 36 degrees Celsius na temperatura.
Mas iinit pa ang panahon sa Abril, ayon sa PAGASA, dahil sa pagtatapos ng amihan at kasagsagan ng El Niño.
Maaantala rin ang pagdating ng tag-ulan sa bansa.
35 Hanggang 36 Degrees Ang Heat Index sa Metro Manila Ngayong Martes; Sa GenSan: 42 Degrees Celsius | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: