Labinlimang pamilya na binubuo ng 39 na indibidwal ang naapektuhan ng sunog na naganap sa 247 MLQ Street Barangay Bagumbayan, Taguig City kagabi, Setyembre 27, 2024.

News Image #1

(Larawan mula sa Barangay Bagumbayan Facebook Page)

Mahigit 11 fire brigades ang nagresponde sa sunog na nagsimula bandang alas 9:45 ng gabi at naideklarang fire out bandang alas 11:00 ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Taguig City, ang sunog ay nagsimula sa kuwarto na nasa ikalawang palapag ng isang bhay doon. Inaalam pa ang posibleng pinagmulan ng sunog na tumupok sa libo-libong halaga ng ari-arian.

Ayon sa pamunuan ng Barangay Bagumbayan, kanilang dinadaluhan na ang mga nasunugan at ibinibigay ang kinakailangang suporta ng mga ito.