Tatlong daan at siyamnapu't dalawang Taguigueños ang natanggap na ang titulo para sa kanilang lupa sa pamamagitan ng Handog Titulo Program.
Ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig kahapon, Setyembre 30, sa Taguig City Auditorium, ang Transfer Certificates of Title at Free Patent Titles sa mga benepisyaryo ng Handog Titulo Program na bahagi rin ng pagdiriwang ng Lands Anniversary.
"Natatangi ang Taguig na may One Stop Shop ng mga ahensyang pang-nasyonal na responsable sa pagpoproseso ng mga dokumento para sa titulo. Ang programang ito ay bunga ng ating buong sigasig na pakikipag-ugnayan sa national government upang pabilisin ang matagal na proseso ng patitulo sa lupa," ang pahayag ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa post sa kanyang social media page.
Tiniyak din niya na maibibigay na rin ang titulo ng susunod na batch ng mga benepisyaryo dahil pinoproseso na ang mga ito. Inaasahang maipapamahagi ang titulo ng kanilang lupa b ago matapos ang taong ito.
Ang Handog Titulo Program ay naka-angkla sa polisiya ng pamahalaan na bigyan ng lupa ang mga walang lupa.
(Mga larawan mula sa Facebook Page: Lani Cayetano)
392 Taguigueños, May Sariling Lupa Na sa Pamamagitan ng Handog Titulo Program | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: