Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa paglaganap na naman ng mga scammers na ang target ay mga magba-biyahe ngayong summer vacation, partikular ang mga uuwing Pilipino mula sa ibayong dagat.

News Image #1


Sinabi ng BI na may mga nag-o-operate ng mga pekeng websites na naniningil ng bayad para sa rehistrasyon sa eTravel.

Ipinaalala ni
Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang rehistrasyon para sa eTravel ay libre.

Hinikayat niya ang mga biyahero na magrehistro sa pamamagitan lamang ng opisyal na website ng pamahalaan sa https://etravel.gov.ph


"We advise the traveling public to be cautious and register exclusively on the official government website, or through the eGovPH application. The eTravel registration process is absolutely free of charge," ayon kay Tansingco.

Kung makaka-engkwentro ng mga pekeng websites o mga taong humihingi ng bayad para sa eTravel registration ay maaaring isumbong sa

Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) o sa hotline 1326.

Napag-alaman na ang ilang biyaherong Pilipinong umuuwi sa bansa at naloloko ng pekeng eTravel websites na naniningil ng mula ₱3, 000 hanggang ₱5, 000 para sa sinasabing rehistrasyon dito.

Samantala, mayroon na ring eTravel Kiosks sa mga pangunahing international airports.

Ang eTravel ay isang data collection platform para sa mga dumarating at papaalis na pasahero na kung naroon na ang may kinalaman sa border control, pagmamatyag sa kalusugan at analysis ng economic data.

(Kuha ni Vera Victoria)