Apat na libong Marines, unipormadong mga tauhan, mga mahihilig tumakbo at iba pa ang lumahok sa fun run na pinangunahan ng Philippine Marines Corps sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon, Oktubre 13, 2024.
(Larawan ng Philippine Marines)
Layunin ng "Sovereignty Run 2024" na suportahan ang mga pamilya ng mga nasawing tauhan ng Marines at gayundin ang mga nasa harapan ng pagtatanggol sa West Philippines Sea (WPS).
(Larawan ni Budz Salvador)
Ang fun run ay bahagi rin ng darating na pagdiriwang ng ika-74 na anibersaryo ng PMC sa Nobyembre 7, 2024.
Nagsimula ang takbuhan ng alas 12:00 ng hatinggabi kung saan ang mga mananakbo ay tinahak ang nakaatas sa kanilang tatakbuhan mula 5 kilometro hanggang 50 kilometro.
(Larawan ni Michelle Navata)
Ang mga nakatapos sa takbuhan ay nakatanggap ng medalya, t-shirts, singlets at loot bags. Ito ang ika-pitong pagkakataon na idinaos ang fun run na nagbibigay-pugay sa kabayanihan at sakripisyo ng mga miyembro ng Philippine Marines, at ang pagtitiyak ng kanilang pagtatanggol sa kasarinlan ng Pilipinas at pagkakaisa sa gitna ng mga hamon sa West Philippine Sea.
4, 000 Marines at Iba Pa, Tumakbo Para sa Pagkakaisa sa West Philippine Sea | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: