Si Gilmar Sabalsa ay inabutan ng apoy sa loob ng warehouse ng SEA Olympus Marketing na nasa 17-A 1st Avenue corner Mañalac Avenue sa Barangay Bagumbayan bandang alas 11:30 ng umaga.
Bukod kay Sabalsa, nasugatan naman sa kanang kilay si Rolly Del Monte, 42 taong gulang, Crisostomo Richard Delara, 29 na taong gulang na nasunog naman ang kaliwang braso at ang 44 na taong gulang na si Rien Estopace na nahirapang huminga nang abutan ng sunog sa loob ng warehouse.
Nilapatan agad ng pangunang lunas ng Taguig Rescue ang mga biktima at saka dinala sa pagamutan.
Agad namang naapula ang apoy makaraang magresponde ang may 12 trak ng bumbero. Naideklarang patay ang sunog makalipas ang alas dose ng tanghali.
Napag-alaman na nagsimula ang sunog sa cold room ng warehouse. Hindi pa alam ang mismong dahilan ng sunog subalit nakasira ito ng umaabot sa P1.7 milyong halaga ng kagamitan at istraktura.
Ang SEA Olympus Marketing ay nagsu-suplay ng mga raw materials tulad ng resin at fiberglass, surface coatings, foam, corrugated sheets at iba pa.
(Mga larawan mula sa Brgy, Moonwalk BDRRM Fire and Rescue at Makati Pateros Fire Volunteers)