Apat na araw na pahinga para sa mga manggagawa, maliban na lamang sa may pasok sa Sabado at Linggo, ang mararanasan ngayong Agosto 23 hanggang 26, 2024 dahil sa holiday economics.
Inilipat ng Malacañang ang paggunita sa Ninoy Aquino Day mula Agosto 21, 2024, Miyerkules, tungong Agosto 23, 2024, Biyernes.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Proclamation Number 665 noong Agosto 15 upang ideklara ang Agosto 23, 2024 bilang isang special non-working holiday sa buong bansa.
"In order to provide for a longer weekend thereby promoting domestic tourism, the celebration of Ninoy Aquino Day may be moved from 21 August 2024 (Wednesday) to 23 August 2024 (Friday)," ang pahayag ng Malacañang sa social media.
Sinabi pa ng Malacañang na bagaman at ang layunin ay maisulong ang turismo sa bansa sa pagsasagawa ng mahabang weekend, kailangan ding mapanatili ang paggunita sa makasaysayang Araw ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino.
Bago naurong ang Araw ni Ninoy Aquino, ang long weekend ay tatlong araw lamang dapat dahil naman sa paggunita ng National Heroes Day sa Agosto 26, 2024.
Dahil sa mga pagbabago sa naturang holiday, inatasan ng Malacañang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng kaukulang circular upang maimplementa ang proklamasyon sa pribadong sektor.
4 na Araw na Walang Pasok, Simula na sa Agosto 23 hanggang 26, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: