Nakabili ng mga ari-arian, naiwasang mainspeksyon at nakialam pa sa pulitika ang apat na Chinese nationals na naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Palawan noon pang Marso 19, 2024 subalit inanunsyo lamang ng BI noong Lunes, Abril 1, 2024.
Ang mga nahuling dayuhan ay sina Lyu Zhiyang, Wang Tao, Li Xiaoming, at Guo Zhi Yang na may kinalaman umano sa ilegal na pagkuha ng mga identification cards na inisyu ng pamahalaan, at maging ng mga opisyal na dokumento.
Inaksyunan ng BI ang panawagan ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers na hulihin ang mga may kinalaman sa pagbibigay sa mga dayuhan ng government-issued identification cards at dokumentong peke.
Ang pinagsamang puwersa ng BI Intelligence Division, Naval Forces West, National Intelligence Coordinating Agency 4B at Armed Forces of the Philippines ang matagumpay na nakaaresto sa apat na Chinese nationals sa Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.
"The arresting team of the operation have been working on the case for several months and have kept close coordination with intelligence forces and law enforcement agents to ensure the smooth arrest of the subjects," ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr.
Nakuha sa operasyon ang ilang mga driver's license, postal ID at birth certificates na ilegal na nakuha ng mga Chinese. Napag-alaman na ang lider ng sindikatong ilegal na nakakakuha ng government-issued documents ay si Lyu.
"Lyu, who bore the alias Ken Garcia Lee, was allegedly the mastermind of the operation and earned notoriety in the local community after being tagged as the fraud mafia leader in Palawan. The arrest of Lyu and his gang will definitely hurt the operations of these entities, and hopefully put a stop to the proliferation of fraudulently-acquired documents," ang saad naman ni Immigration Commissioner Norman Tansingco.
Ang apat na Chinese nationals ay nakakulong na ngayon sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa Taguig City.
Hinarapan ang mga ito ng kasong misrepresentation at undesirability sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
4 Na Chinese, Nakabili ng mga Ari-Arian sa Pilipinas Dahil sa mga Ilegal na Nakuhang Government-Issued IDs at Birth Certificate, Arestado Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: