Nagwagi ng cash at pagkilala ang apat na estudyante ng Taguig City sa isinagawang 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐓 𝐂𝐡𝐚𝐥𝐥𝐞𝐧𝐠𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬.
Ang kumpetisyon ay isinagawa sa Bayview Park Hotel Manila noong Abril 23 hanggang 24, 2024.
Kabilang sa nag-uwi ng karangalan sa Taguig ay si Jamal M. Alih ng Taguig National High School na nakuha ang unang puwesto sa Physical Category.
Gayundin si John Emmanuel V. Bayani ng Taguig Science High School na nakuha naman ang ikalawang puwesto sa Intellectual/Learning Category, at si Anica Myiel Timogtimog ng Taguig Science High School na second place din para sa Visual Category.
Nakuha naman ni Kyla Lorraine P. Carcido ng Western Bicutan National High School ang ika-18 posisyon sa Deaf/Hard of Hearing Category.
Ang patimpalak ay pinangunahan ng National Council on Disability Affairs (NCDA).
Ang nagwagi ng first prize ay nabigyan ng P 10,000.
May cash prizes din ang nasa ibang posisuon bukod sa tokens mula sa NCDA, Department of Science and Technology at Department of Information and Communications Technology.
Ang apat na nagwaging Taguig high school students ang magiging opisyal ba delegado sa isasagawang Global IT Challenge for Youth With Disabilities sa Oktubre.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
4 na Estudyante ng Taguig, Wagi sa National IT Challenge for Youth with Disabilities | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: