Apat na Hapones na takas sa batas sa kanilang bansa dahil sa panloloko sa telepono ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiway na operasyon sa Parañaque City at Pasay City.

News Image #1


Sa ulat na inilabas ng BI noong Hulyo 17, 2024, ang mga unang naaresto ng BI fugitive search unit ay sina Ueda Koji, 27 taong gulang, Kiyohara Jun, 29 taong gulang at Suzuki Seiji, 29 taong gulang sa Parañaque City.

Napag-alaman na ang tatlo ay may warrant of arrest na inilabas ng Omiya Summary Court for Fraud dahil sa paglabag sa Japanese Penal Code.

Samantala, ang ika-apqt na Hapones ay naaresto ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.

Si Sawada Masaya, 39 taong gulang, ay tumakas sa hatol na pagkakulong dito ng korte ng Japan.

Ang apat ay mga nagpasimula ng isang sindikato ng telecom fraud na nakabase sa Cambodia.

May kaso na ang mga ito sa Japan na may kinalaman sa pagpipiit, pangingikil at panloloko.

Ang apat ay nakadetine na sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City at ipapatapon palabas ng bansa makalipas na maiproseso ang kanilang dokumento.

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)