Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na nirespondehan ng may 21 trak ng bumbero, kabilang ang Taguig Rescue at Bureau of Fire Protection.
Sinabi ni BFP Inspector Sablaan na ang sunog ay bunga ng problemang eletrikal at naapula ganap na alas 10:38 ng gabi.
Agad na nagtungo sa pinangyarihan ng sunog sina Taguig City Mayor Lani Cayetano at Kapitan ng Barangay West Rembo na si Niño Cunanan upang kumustahin ang lagay ng mga nasunugan.
Ang 18 indibidwal na biktima ng sunog ay pansamantala munang nanunuluyan sa West Rembo Barangay Hall.
Dinalhan ang mga ito ng paunang tulong ng Taguig Social Welfare and Development Office.
Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ng Taguig na may mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may ganitong pangyayari:
Command Center
(02) 8789-3200
Taguig Rescue
0919-070-3112
Taguig PNP
(02) 8642-3582
0998-598-7932
Taguig BFP
(02) 8837-0740
(02) 8837-4496
0906-211-0919
(Video and Photos by Sangguniang Barangay of West Rembo)