Nasa mapanganib na lebel pa rin ang init sa Taguig City ngayong Mayo 16, 2024 sa 42 degrees Celsius, kasama ang katimugang bahagi ng Metro Manila, base sa data mula sa instrument site ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administraiton (PAGASA) sa NAIA, Pasay City.

News Image #1

(Larawan mula sa PAGASA)

Samantala, tatlong lugar naman sa bansa ang nasa 46°C at ito ay kinabibilangan ng Dagupan City, Pangasinan, CBSUA-Pili, Camarines Sur at Butuan City, Agusan del Norte.

45°C ang heat index ngayong Huwebes sa sumusunod na lugar: Bacnotan, La Union at Virac (Synop), Catanduanes.

44°C naman sa Cuyo, Palawan; Roxas City, Capiz; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; Catarman, Northern Samar; Guiuan, Eastern Samar at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

43°C ang nararamadaman ng katawan na init sa Sinait, Ilocos Sur; Laoag City, Ilocos Norte; MMSU, Batac, Ilocos Norte; Aparri, Cagayan; Iba, Zambales; Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Legazpi City, Albay; Masbate City, Masbate; Tacloban City, Leyte; Borongan, Eastern Samar at Dipolog, Zamboanga del Norte.

42°C ngayon sa NAIA, Pasay City; Tuguegarao City, Cagayan; ISU Echague, Isabela; Baler (Radar), Aurora; Casiguran, Aurora; Alabat, Quezon; Catbalogan, Samar; Coron, Palawan; Puerto Princesa City, Palawan; Aborlan, Palawan; Daet, Camarines Norte; Siquijor, Siquijor; Davao City, Davao del Sur at Surigao City, Surigao del Norte.