Balik na naman sa dangerous level na 42 degrees Celsius ang heat index sa Taguig City kasama ang katimugang bahagi ng Metro Manila ngayong Sabado, Mayo 4, 2024.
(Kuha ni Dek Terante)
Dalawampu't siyam na iba pang lugar sa bansa ang nasa mapanganib na lebel ang temperatura batay sa heat index. Ang heat index ay ang sukat ng temperatura na nararamdaman ng isang tao, na iba naman sa aktwal na temperatura sa kapaligiran. Nasusukat ito kapag isinama ang humidity at ang air temperature.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pinakamataas ang heat index ngayong Sabado sa Dagupan City, Pangasinan dahil tatama ito sa 47°C.
Nasa 46°C naman ang Aparri, Cagayan at 45°C ang Laoag City, llocos Norte.
Ang mga nasa 44°C ang heat index ay ang sumusunod:
• Bacnotan, La Union
• ba, Zambales
• Puerto Princesa City, Palawan
• Virac (Synop), Catanduanes
• CBSUA-Pili, Camarines Sur
43°C naman sa mga sumusunod na lugar:
• MMSU, Batac, Ilocos Norte
• Tuguegarao City, Cagayan
• Aborlan, Palawan
• Dumangas, Iloilo
• Catarman, Northern Samar
• Butuan City, Agusan Del Norte
Ang heat index naman sa mga sumusunod na lugar ay 42°C
• NAIA, Pasay City
• Sinait, llocos Sur
• ISU Echague, Isabela
• Casiguran, Aurora
• Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
• Ambulong, Tanauan, Batangas
• Infanta, Quezon
• San Jose, Occidental Mindoro
• Cuyo, Palawan
• Masbate City, Masbate
• Roxas City, Capiz
• La Granja, La Carlota, Negros Occidental
• Borongan, Eastern Samar
• Guiuan, Eastern Samar
• Zamboanga City, Zamboanga del Sur
• Cotabato City, Maguindanao
42 Degrees Celsius ang Heat Index sa Taguig Ngayong Mayo 4; 29 Na Iba Pang Lugar sa Bansa, Nasa Mapanganib na Lebel | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: