Isang 43 taong gulang na babae na sinasabing ika-anim na most wanted person sa Taguig City dahil sa malawakang illegal recruitment, ang inaresto ng Taguig City Police noong Disyembre 9, 2024 sa Barangay Ususan, Taguig City.
(Larawan ng Taguig Police)
Isinilbi kay alyas Sheryl ang warrant of arrest bunga ng ginawa umano nitong pangre-recruit at pagpapabayad sa mga nagnanais na makapagtrabaho sa ibayong dagat.
Nahaharap si Sheryl sa kasong large-scale illegal recruitment o paglabag sa Republic Act 10022 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.
Sa ilalim ng RA 10022, "Illegal recruitment is deemed committed by a syndicate if carried out by a group of three (3) or more persons conspiring or confederating with one another. It is deemed committed in large scale if committed against three (3) or more persons individually or as a group."
Walang nakarekomendang piyansa para sa kasong ito batay sa inisyu ni Presiding Judge Nanette Lemana ng Davao City Regional Trial Court Branch 11 noong Nobyembre 11, 2024, kaya diretso kulong si alyas Sheryl.
Sa ngayon ay nasa custodial facility ng Taguig City Police Station ang suspek.
43 Anyos na Diumano ay Illegal Recruiter sa Davao, Nahuli sa Barangay Ususan, Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: