Apatnapu't siyam na mga estudyante sa kolehiyo ng Taguig City at Pateros ang binigyan ng P25, 000 tulong sa kanilang edukasyon sa ilalim ng Student Monetary Assistance for Recovery and Transition (SMART) Grant noong Pebrero 6, 2024.

News Image #1


Pinangunahan ni Congressman Ricardo Cruz, Jr. ang seremonya ng pagbibigay ng tulong pinansiyal na isang programa ng pakikipagkolaborasyon sa Commission on Higher Education (CHED).

Hinikayat ni Cruz ang mga mga napiling estudyante sa kolehiyo na pagyamanin ang kanilang natanggap na tulong at ituon ng husto ang kanilang sarili sa pag-aaral.

News Image #2


"Inyong patuloy na bigyan ng halaga ang mga biyayang natatanggap, maging mapagpasalamat at mag-aral ng mabuti. Dalangin ko ang inyong tagumpay," ang pahayag ni Cruz.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo ng SMART Grant dahil ito ay malaking tulong sa kanilang pinansiyal na suliranin at mas mapapagtuunan nila ng pansin ngayon ang kanilang pag-aaral.

(Larawan mula kay Congressman Ricardo "Ading" Cruz, Jr.)