Tinatayang limang milyong Pilipinong mangaggawa ang posibleng mawalan ng trabaho ngayong taong ito dahil sa artificial intelligence (AI) at sa nagbabagong klima.

Batay sa pag-aaral ng International Monetary Fund (IMF), 14% ng kabuuang manggagawa sa Pilipinas ang posibleng mapalitan ng AI.

[Photo1

Ang AI ay computer system o modelong kayang gumawa ng trabahong dati ay mga tao lamang ang maaaring makagawa.

Tinataya ng IMF na 4 sa 10 o 36% ng trabaho sa Pilipinas ay mataas ang tsansang mapalitan ng AI. Gayunman, mahigit sa kalahati naman ng mga highly exposed jobs sa AI ay nasa ilalim ng kategoryang maaaring matulungan lamang ng AI ang mga taong manggagawa na mas mabuting maisagawa ang trabaho ng mga ito kaysa sa sila ay palitan.

Sinasabing ang mga nagta-trabaho sa business process outsourcing sector (BPO) ang isa sa posibleng mapalitan ng AI lalo na at nagiging mas advanced na ang chatbots na pinapatakbo ng AI.

Kabilang din sa nanganganib na trabaho sa AI ay ang nasa sales at pagseserbisyo. Sa University of SantoTomas, nagawa ng mga inhinyero nito ang Logistics Indoor Service Assistant o LISA Robot, na maaaring magdala ng mga gamot at iba pang medikal na gamit at makausap ng pasyente ang doktor sa pamamagitan ng video call.

News Image #2

(Larawan ng unang LISA noong 2020, mula sa Facebook Page ni Anthony James Bautista)

News Image #3

(Kasalukuyang larawan ng LISA Robot mula sa Facebook Page ni Anthony James Bautista)

Ang mga mababa naman ang tsansang mapalitan ng AI ay ang nasa agrikultura o pagtatanim, malikhaing paggawa at mga nagpapatakbo ng mga makina.