Limampu't limang tauhan ng Taguig City Police ang nagtapos sa dalawampung araw na Patrol Officers Basic Course sa seremonyang isinagawa sa Vista Mall Trade Hall sa Taguig City.
Kasabay nito ay ibinigay rin ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang mga kagamitan tulad ng bullet-proof vest, helmet, mga bala at iba pa sa mga nagsipagtapos na pulis.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, suportado ng Pamahalaang Lungsod ang mga kapulisan ng Taguig. "Sinuportahan ng Taguig ang programang ito ng PNP sapagkat ang dagdag kaalaman at kakayahan ng ating kapulisan sa pag-patrolya ay makakatulong sa general peace and order sa ating Probinsyudad."
Dumalo rin sa pagtatapos ng mga pulis na nag-aral kaugnay ng pagpapatrulya si Police Colonel Christopher Olazo, ang kasalukuyang hepe ng Taguig City Police.
(Mga larawan ni Dexter Terante)
55 Taguig Policemen, Nagtapos ng Patrol Officers Basic Course; Binigyan ng Kagamitan ng Taguig City Government | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: