Kasong kriminal dahil sa mapang-abusong pagkita ang iniharap laban sa anim na indibidwal na nagtago ng napakaraming sibuyas. Sa anim na indibidwal, mayroong kasangkot na mga opisyal ng pamahalaan.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na ang kaso ay bunga ng pagbebenta ng walong libong sako ng sibuyas ng isang kooperatiba sa Food Terminals Inc. (FTI) sa Taguig City, na isang government-owned and controlled corporation, noong Disyembre 2022.
Napag-alaman na ang sibuyas ay ibinenta sa halagang higit pa sa P500 kada kilo samantalang ang presyo sa mga magsasaka ng sibuyas o farmgate price ay mababa sa P20 bawat kilo.
Hindi pinangalanan ng DOJ ang mga inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) na kasuhan upang hindi maunahan ang pag-aaral rito ng mga abogado.
Inatasan ni Remulla ang mga abogado ng pamahalaan na bumuo ng matibay na kaso para tiyaking makukulong ang anim na indibidwal na may kinalaman sa hoarding ng sibuyas.
Ang paghaharap ng kaso laban sa mga onion hoarders ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na habulin ang mga nagmamaniobra sa presyo ng sibuyas tulad ng mga nagtatago nito. Noong isang taon ay tumaas ang presyo ng sibuyas ng hanggang P800 kada kilo kahit na ang farm gate price ay mababa pa sa P20.
"This is just the beginning of the cases to be filed. This is for hoarding and profiteering. Matatandaan na umabot ng PHP750 per kilo ang sibuyas. Ito na ngayon ang simula ng reklamo laban sa mga tao na kasabwat sa pagtataas ng presyo ng sibuyas," ayon kay Remulla.
"Hanggang economic sabotage 'yan. Pero ito hoarding, profiteering and price manipulation (We are looking at a possible liability for economic sabotage. But in this particular case, it will be hoarding, profiteering and price manipulation)," pagtatapos ni Remulla.
(Photos by DOJ)
6 Na Hoarders ng Sibuyas, Sasampahan ng Kasong Kriminal | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: