Makalipas ang ilang araw na pag-ulan, balik na naman sa napakainit at tuyong panahon ang Pilipinas kung saan ang Taguig City at katimugan ng Metro Manila ay makakaranas ng mapanganib na init na 42 degrees Celsius ngayong Biyernes, Mayo 24, 2024

News Image #1

(Larawan ni Dek Terante)

Ayon sa heat index list ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga sumusunod lugar ang nasa mapanganib na pakiramdam ng init ngayong Biyernes:

46°C:
• Laoag City, llocos Norte
• Aparri, Cagayan
• Cuyo, Palawan
• Roxas City, Capiz
• Mambusao, Capiz
• Iloilo City, Iloilo

45°C:
• San Jose, Occidental Mindoro
• Dumangas, Iloilo
• Zamboanga City, Zamboanga del Sur

44°C:
• Dagupan City, Pangasinan
• Bacnotan, La Union
• Puerto Princesa City, Palawan
• Aborlan, Palawan
• La Granja, La Carlota, Negros Occidental
• Dipolog, Zamboanga del Norte

43°C:
• Sinait, llocos Sur
• MMSU, Batac, Ilocos Norte
• Tuguegarao City, Cagayan
• Casiguran, Aurora
• Surigao City, Surigao del Norte
• Butuan City, Agusan del Norte

42°C:
• NAIA, Pasay City
• ISU Echague, Isabela
• Iba, Zambales
• CLSU Muñoz, Nueva Ecija
• Baler (Radar), Aurora
• Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City
• Ambulong, Tanauan, Batangas
• Infanta, Quezon
• Coron, Palawan
• Daet, Camarines Norte
• Legazpi City, Albay
• Virac (Synop), Catanduanes
• CBSUA-Pili, Camarines Sur
• Siquijor, Siquijor
• Catarman, Northern Samar
• Cotabato City, Maguindanao
Ang heat index ay ang sukat ng temperatura na nararamdaman ng tao na iba sa aktwal na air temperature. Kino-compute ito sa pamamagitan ng pag-factor sa humidity at air temperature.

News Image #2

(Larawan ni Dek Terante)

Posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga lugar na nasa danger heat index level na nasa pagitan ng 42 hanggang 51°C. Kung tuloy-tuloy na nakababad sa sobrang init, posibleng ma-heat stroke ang isang tao.