Anim na pampublikong paaralan ss Taguig ang may libreng wifi sa pamamaggitan ng pagtutulungan ng Adopt-a-School Program ng non-profit na organisasyong Hands On Manila at DITO Telecommunity.
Kabilang sa anim na pampublikong eskwelahan sa Taguig na nilagyan ng libreng 5G internet ay ang Cipriano P. Sta. Teresa Elementary School, Silangan Elementary School, Taguig Integrated School, Napindan Integrated School, South Daang Hari Elementary School, at ang Taguig National High School.
Mahigit 30, 000 mga estudyante ang nagbebenepisyo sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng inilagay na libreng wifi sa kanilang eskwelahan.
Naniniwala si Joyce Capacillo, Head ng Home Business Unit ng DITO Telecommunity na ang inisyatibang jto ay hindi lamang technical solution sa limitadong internet access.
"It represents hope for students to pursue their dreams. Lack of internet connectivity not only limits students' access to educational resources but also hinders their ability to navigate and fully engage in a digital environment, a skill that is crucial for their future," ayon kay Capacillo.
(Photo by Vera Victoria)
6 na Pampublikong Eskwelahan sa Taguig, May Libreng 5G Internet | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: