Anim na ang lugar na naglalagablab sa Greater Los Angeles Area, partikular sa Northern California, kung saan maraming Pilipino ang nakatira o nagta-trabaho.
(Larawan mula sa FB: Vanessa Porschea)
Ayon sa National Alliance for Filipino Concerns (Nafcon), isang Filipino immigrant organization, marami sa mga Pilipinong caregiver ang nasa evacuation centers kasama ang kanilang mga matatandaang inaalagaan.
Napipilitan umano ang mga itong bumili ng suplay ng kanilang mga inaalagaan gamit ang kanilang sariling pera.
Binatikos ng Nafcon ang kawalan ng kahandaan ng pamahalaan sa sakunang ito.
"Government officials were told to act proactively and prepare residents against possible natural calamities leading up to the fires but preparations fell short and were outmatched by the supercharged winds. These conditions were exacerbated by the inadequate and delayed responses to the situation," ayon sa organisasyon
Tinatayang 5 katao na ang nasasawi at napakarqming mga hayop sa kagubatan at maging mga alagang hayop ang hindi rin nakaligtas sa nasusunog na mga lugar sa California.
Ang sunog sa Palisades, sa pagitan ng Santa Monica at Malibu, at gayundin ang sunog sa Eaton sa silangan malapit sa Pasadena ang pinakamatinding sunog na nasaksihan sa kasaysayan ng Los Angeles.
(Larawan mula kay Meng Garcia)
Humigit kumulang na sa 17,000 acres ng kagubatan at libo-libong kabahayan at establisamyento ng negosyo na ang nasunog.
Nitong Huwebes ng hapon, isang bagong brush fire ang naitala aa Woodland Hills, sa may hilagang Los Angeles, na naka-border sa kabundukan ng Santa Monica.
Nasunog din ang Runyon Canyon sa Hollywood Hills kung saan kasama sa natupok ang mga bahay ng Hollywood stars na sina Mandy Moore, Paris Hilton at Billy Crystal.
Nagkasunog din sa Hurst at Lidia at Woodley na kapwa kontrolado na ngayon.
6 na Sunog ang Nilalabanan Ngayon sa Greater Los Angeles Area, May mga Pilipinong Nasa Evacuation Centers | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: