Animnapung kooperatibang benepisyaryo ng Taguig City ang nakatanggap ng Negocarts mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang matulungan silang magkaroon ng pang-hanapbuhay.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Sa isinagawang selebrasyon ng Buwan ng Kooperatiba na may temang "Cooperatives: Stronger Together Today for a Brighter Tomorrow," binigyang diin ng Taguig Cooperative Development Office (TCDO) ang mahalagang tungkulin ng mg kooperatiba sa pagsusulong ng paglago ng ekonomiya sa Taguig.
Ang mga benepisyaryo ng DOLE Food Negocarts ay sumailalim muna sa pagsasanay sa financial literacy at tiningnan din ang kalagayan ng kanilang kalusugan upang matiyak na maayos nilang mapapatakbo ang operasyon ng mga negocarts.
Kabilang sa mga maaari nilang itinda ang pares at mami, siopao at siomai, milk tea at mayroon pang 5-in-1 food carts.
Sinabi ng pinuno ng TCDO na si Lecira Juarez na malaki ang kontribusyon ng mga kooperatiba ng Taguig sa ekonomiya ng bansa dahil ang Taguig ay may 15.56% bahagi o P92.47 bilyong kontribusyon sa kabuuang cooperative assets sa bansa, batay sa ulat ng Cooperative Development Authority. Ang kabuuang cooperative assets saa bansa ay mahigit sa P623 bilyon.
60 Cooperative-Beneficiaries sa Taguig, Nakatanggap ng Food Carts mula sa DOLE | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: