Animnaraang kilo ng basura ang hinakot ng may limampung trak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang ginawang paglilinis sa Hagonoy Creek sa may Hagonoy Pumping Station sa Taguig City kamakailan.
Ang mga basurang nakuha ng MMDA sa naturang creek ay nanggaling sa siyam na barangay sa Taguig City na doon nagtatapon ng kanilang basura at nagiging dahilan ng pagbabaha lalo na sa panahon ng tag-ulan.
"Solid waste management is everyone's responsibility, not the government alone. All of us must work together and ensure that waste is properly managed and disposed of to prevent flooding," ang pahayag ni MMDA acting chairman Don Artes makaraang personal na saksihan ang paglilinis, kasama si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Umapela si Artes sa mga mamamayan na tigilan ang pagtatapon ng kanilang mga basura sa kalsada at sa mga katubigan upang maiwasan na magka-ipon-ipon ito sa mga daluyan ng tubig at pagsimulan ng pagbabaha.
"While we are boosting our efforts in cleanup operations to mitigate flooding, the public must do their part by observing cleanliness and proper waste disposal. A key to effective solid waste management is segregating waste at the source and having effective garbage collection done at the local level," dagdag pa ni Artes.
Sinabi naman ni Cayetano na may multa kapag nagkalat sa mga kalsada at mga katubigan batay sa kanilang ordinansa sa Taguig. Nakakagulat aniya na maging ang mga malalaking kagamitan tulad ng sofa at appliances ay itinatapon sa Hagonoy creek.
Nakiusap sina Artes at Cayetano sa mga mamamayan na maging responsable sa kanilang pagtatapon ng basura
600 Kilo ng Basura, Nakuha sa Hagonoy Creek sa Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: