May kabuuang 6,157,517 text short message service (SMS) scams ang naiulat sa Pilipinas nitong 2024, ayon sa caller identification service provider na Whoscall.
(Larawan ni Vera Victoria)
Ayon naman sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), karamihan sa text scams ay mga spoofing scams kung saan ginagaya ang mga opisyal na SMS channels ng mga telecommunication companies, e-wallets, digital banks, at iba pang brands sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensaheng may malisyosong link.
Ang buwan ng ang ikaapat na bahagi ng nakaraang taon ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga isinumbong na mga text scams o 33.8% ng mga maitalang panlolokong text noong 2024.
Ang buwan ng Disyembre ang may pinakamataas na ulat ng scam, lalo na noong Kapaskuhan kung saan umabot ito ng 708,005.
Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary at CICC executive Director Alexander Ramos na may 600, 000 mga Pilipino ang naloko ng mga text scam noong 2024 lalo na ang may kinalaman sa inaalok na trabaho o pautang.
Gayundin, may mga text scams na palalabasing may problema sa kanilang mga bank accounts at tatakutin ang mga itong mawawala ang kanilang pera kung hindi iki-click ang kanilang ipinadalang link o ibibigay ang OTP (one-time-pin) na ipinadala ng kanilang bangko.
"The tone of these Spoofing scam messages often creates a sense of urgency, often claiming rewards will expire or passwords are about to become invalid. These messages typically instruct recipients to click on a link to update their information. However, this link is a gateway for scammers to access their victims' digital banking or e-wallet accounts," ayon kay Ramos.
Noong Hunyo ng nakaraang taon, nagbabala na ang CICC sa publiko kaugnay ng pagdami ng mga text scams.
Pinaalalahanan nito ang publiko na huwag i-post ang kanilang mga ID o larawan ng bank accountsm credit cards at billing statement sa social media dahil maaari itong magamit ng mga scammers.
600,000 mga Pilipino, Naloko ng Text Scams noong 2024; Mahiti 6 na Milyon Naman ang Naiulat na Text Scams | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: