Mahigit 7,000 ang mga pulis sa Metro Manila na sobra sa timbang.

News Image #1


Bawal na ang mga pulis na malalaki ang tiyan kaya't sinimulan ng Philippine National Police - National Capital Region Office (PNP-NCRPO) ang Oplan Bantay Kalusugan sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Disyembre 12, 2023.


News Image #2


Ang Oplan Bantay Kalusugan ay hindi lamang para paliitin ang tiyan ng mga overweight na pulis kung hindi upang masigurong ang kanilang kaisipan ay maayos din upang magawa ng mahusay ang kanilang tungkulin bilang pulis.


Sinabi ni Brig. General Reynaldo Tamondong, Deputy Regional Director for Administration ng PNP-NCRPO na mayroong anim na sandigan ang Oplan Bantay Kalusugan.

News Image #3


"These six core pillars includes prioritizing police officers' physical and mental well-being; tying officer health to efficient and sustainable law enforcement; building public trust by showcasing healthy officers and promoting community engagement; implementing economic strategies to minimize healthcare costs; creating a health-centric work environment to boost officer morale and support; and strengthening safety protocols for enhanced team and public safety," ayon kay Tamondong.

Ang adhikaing ito ay naglalayong matugunan ang problema sa pagiging sobra sa timbang, katabaan at iba pang isyung pangkalusugan ng mga pulis na nakakaapekto aa epektibong paggampan sa tungkulin ng mga ito.

"The NCRPO will refresh and amplify its active participation in health management and physical fitness, not only focusing on lifestyle changes, dietary adjustments, and physical activity through the assimilation of appropriate weight management programs to attain normal BMI and also ensuring every member is aptly prepared for their challenging duties and responsibilities," dagdag pa ni Tamondong.


(Photos by PNP-NCRPO)