Sentro ng atensyon sa social media ang isa sa 37 kandidata para sa Mutya ng Taguig 2024 hindi lamang dahil sa kanyang angking kagandahan kung hindi dahil sa kanyang edad.


(Video mula sa Mutya ng Taguig 2024 FB Page)

Si Rhonda Felizmeña, 70 taong gulang na representante ng Barangay Pitogo, Taguig City, ang pinakamatanda sa hanay ng mga kandidata sa patimpalak-pagandahan.

News Image #1


Sinabi ni Felizmeña na naniniwala siyang hindi pa huli ang lahat para maisakatuparan ang pangarap. Aniya, nais niyang magsilbing inspirasyon ang kanyang paglahok sa Mutya ng Taguig 2024 sa mga nag-iisip na napag-iwanan na sila at hindi na maaaring magawa ang makakapagpasaya sa kanila.

News Image #2


"I joined Mutya ng Taguig 2024 for I believe that beauty is not in the face and that beauty is a light in the heart. I am grateful for every precious moment life offers me and I want people to see the beauty in my 70 years of life experience and I want them to also feel grateful for theirs," ang post ni Felizmeña sa kanyang Facebook Page.

Si Felizmeña ay may dalawang anak at siyam na mga apo. Nakalagay sa FB page nito na ang kanyang trabaho ay Political Affairs Officer II sa House of Representatives.

Nakalahok si Felizmeña makaraang tanggalin ng mga namamahala sa Mutya ng Taguig 2024 ang maximum age limit para sa mga kandidato, bukod saw ala na ring marital at parental status requirement.


Bukod kay Felizmeña, ang mga kandidata sa Mutya ng Taguig 2024 ay ang mga sumusunod:

News Image #3


• Barangay Bagumbayan - Yllana Marie Macapagal
• Barangay Bambang - Maricar Baustista
• Barangay Calzada Tipas - Ma. Christine Vallega
• Barangay Cembo - Charisse Mae Camilo
• Barangay Central Bicutan - Daniella Mariz Lamptey
• Barangay Central Signal - Alessandra Leanne Plantado
• Barangay Comembo - Sandara Villon
• Barangay East Rembo - Brengie Sen Tamayo
• Barangay Fort Bonifacio - Ria Francis Salazar
• Barangay Hagonoy - Charlyn Villena
• Barangay Ibayo Tipas - Maria Michaela Pancha
• Barangay Katuparan - Abigail Figueras
• Barangay Ligid Tipas - Hannah Yukki Carreon
• Barangay Lower Bicutan - Blueberry Kinnes
• Barangay Napindan - Maylene Anne Divinagracia
• Barangay New Lower Bicutan - Danielle Haillie Breganza
• Barangay North Daang Hari - Lovely Saldo
• Barangay North Signal - Athena Beatrice Gipiga
• Barangay Palingon Tipas - Trisha Mae Parojenog
• Barangay Pembo - AC Cabase
• Barangay Pinagsama - Zaquera Lendel Arcasitas
• Barangay Pitogo - Rhonda Felizmena
• Barangay Post Proper Northside - Jerelleen Rodriguez
• Barangay Post Proper Southside - Bianca Janette Dela Cruz
• Barangay Rizal - Ashley Palmares
• Barangay San Miguel - Nicole Ashley de Guzman
• Barangay South Cembo - Deanne Claribel Lejano
• Barangay South Daang Hari -Daphne Anne Nicohle Macaspac
• Barangay South Signal - Aubrey Ysabelle Delos Reyes
• Barangay Sta. Ana - Charish Apple Arellon
• Barangay Tanyag - Alyanna Ysabel Virtudazo
• Barangay Tuktukan - Rosalexi Isidoro
• Barangay Upper Bicutan - Shirimah Dimarunsing
• Barangay Ususan - Eubel Cortes
• Barangay Wawa - Leanne Gutierrez
• Barangay West Rembo - Arriane Mae Leuterio
• Barangay Western Bicutan - Kamille Angelica Mendoza

(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Rhonda Felizmena)