Pitumpu't dalawang sasakyan ang hinatak at tiniketan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil sa ilegal na pag-parada sa Narra Street, Barangay Cembo, Taguig City noong Pebrero 23, 2024.



Ang mga sasakyan ay nahatak sa clearing operations ng MMDA Special Operations Group para dalhin sa impounding area makaraang ireklamo ng ilang mamamayan ang pagiging sagabal nila sa daan na nakakaapekto sa mga motorista at maging sa mga pedestrians.

News Image #1


Ayon sa kapitan ng Barangay Cembo na si Dr. Romeo Millo, mayroon silang ordinansa na pinapayagan ang "one-side parking" sa Narra Street na nilikha noong nasa ilalim pa sila ng Makati.

Sinabi naman ni MMDA Special Operations Task Force OIC Gabriel Go na ang pinagparadahan ng mga sasakyan ay bahagi ng national road. Isa rin itong salubungang daan o two-way street.

News Image #2


"It's a two-way street. A two-way street can never have a one-side parking. We cannot hamper public convenience, we cannot hamper the flow of traffic just for the sake na mayroon silang parkingan na hindi naman tama," ayon kay Go.

Sa ilalim din ng National Traffic Code and Guidelines, ipinagbabawal ang paggamit ng ilalim at gilid ng mga tulay o flyover bilang paradahan.


(Video mula kay J)