Nakumpleto na ng 74 na dating gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanilang Outpatient Counseling Program.
Isang moving-up ceremony ang isinagawa sa Taguig City University Auditorium noong Disyembre 18, 2024 kung saan binigyan ng pagkilala ang mga
nakabangon nang Persons Who Used Drugs (PWUDs) na sumailalim sa rehabilitasyon.
Ang inisyatibong ito ay hindi lang upang magamot ang mga dating gumagamit ng bawal na droga kung hindi upang tulungan din silang mabago ang kanilang buhay.
Sa talumpati ni Taguig City Councilor Nicky Supan, hibikayat nito ang mga nakabangon nang PWUD na yakapin ang inisyatibo ng Taguig sa pakikipaglaban sa droga.
"Ang bawat isa sa inyo ay napakahalaga, at marami po tayong programa sa city government para sa inyo. Ang kailangan lang po ninyong gawin ay buksan ang isip, ang puso, at ang sarili para magbago."
Kabilang sa mga nakabangon na mula sa kanilang buhay-droga ay ang 56 na taong gulang na babaeng PWUD mula sa Barangay San Miguel.
Aniya, naging inspirasyon niya ang kanyang mga apo upang magbagong buhay dahil ayaw niyang ma-bully ang mga ito dahil sa kanyang ginawa.
Nagpasalamat din siya sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makapagtrabaho sa City Hall.
Isa pa sa nakabangong PWUD ay isang 22 taong gulang na babae na taga Barangay New Lower Bicutan at nag-a-apply para makapag-aral muli sa pamamagitan ng Alternative Learning System.
Nagpahayag din ito ng pasasalamat sa pamunuan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa ibinigay sa kanyang tsansang makapagbago at makapagsimulang muli.
(Mga larawan ng Taguig Anti-Drug Abuse Office)
74 Persons Who Used Drugs, Nakatapos sa Outpatient Counseling Program at Nakabangong Muli | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: