Pitumpu't siyam na mga Pilipinong kabataang atleta ang bibigyang parangal sa Nickel Asia Corporation Siklab Youth Sports Awards 2024 sa Market! Market! Activity Center, Ayala Malls Bonifacio Global City sa Taguig City ngayong Disyembre 5, 2024 ng gabi.

News Image #1

(Larawan mula sa Philippine Sports Commission)

Kabilang sa paparangalan ang kapatid ng double Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Karl Eldrew Yulo na isang gold medalist naman sa nakaraang Asian junior gymnastics.

Gayundin din din ang world youth champion sa ju-jitsu na si Isabella Butler, Asian age-group swimming gold medalist Jamesray Mishael Ajido at table tennis youth champion Kheith Rhynne Cruz.

Kasama rin sa paparangalan sa Young Heroes Awards sina Tachiana Mangin na world junior champion sa taekwondo ang weightlifters na sina Angeline Colonia at Lovely Inan, 2024 US Junior Girls champion Rianne Mikhaela Malixi ng golf at ang kampeon sa wushu na si Alexander Gabriel Delos Reyes.

May apat ding special awards na ipapamahagi at ito ay ang Sports Idol na tatanggapin ni Nesthy Petecio na bronze medalist sa boksing sa Paris Olympics, Godfather of the Year naman si Agapito "Terry' Capistrano na matagal nang sports manager, Lifetime Achievement Award para kay Senador Bong Go at Trailblazer Award naman kay Quezon City Congressman Arjo Atayde dahil sa suporta ng dalawang mambabatas sa youth sports.

News Image #2

Larawan ng Philippine News Agency

Ang parangal ay inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC)-Philippine Paralympic Committee (PPC)-Philippine Olympic Committee Media Group (PSC).